War on drugs, balik sa PNP: Digong, nakulangan sa PDEA

POSIBLENG nakulangan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaya’t nasabi nitong ibabalik na niya sa Philippine National Police (PNP) ang war on drugs.

“He must not be satisfised. He wants more. Para hindi na lumala pa,” ani Presidential spokesperson Harry Roque.

Tinatayang mahigit isang buwan pa lamang ng atasan ni Pangulong Duterte PDEA bilang sole agency na mangunguna sa drug operations.

Nitong Miyerkules ay sinabi ni Pangulong Duterte na pinag-aaralan na niyang ibalik sa PNP ang war on drugs ng pamahalaan.

“As of now, just to parry, nilagay ko muna sa PDEA. Whether I like it or not, I have to return that power to the police because surely it will increase the [drug] activity,” ani Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni Sec. Roque na matigas ang naging pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa bagay na ito.

“That’s the latest pronouncement. There is now a very strong likelihood that it will be returned to the PNP. He does not want the problem to worsen…I don’t know if a formal directive has been issued. Effectively, he has manifested already a decision to return it to the PNP,” aniya pa rin. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply