Westbrook inangat ang Thunder vs GSW

KUMAYOD nang husto ang reigning NBA MVP na si Russell Westbrook sa kanyang halos triple-double performance at sa season-high na 34 points, 10 rebounds at nine assists upang ilampaso ng Oklahoma City Thunder ang Golden State Warriors, 108-91.

Ito ang unang panalo ng Thunder sa defending champion mula nang umalis sa kanila si Kevin Durant para lumipat sa Warriors makalipas ang 2015-2016 season.

Bago ito, merong apat na panalo na ang Golden State sa lahat ng kanilang paghaharap sa Thunder noong nakaraang season na halos nag-average na 20 points ang kalamangan.

Naging sidelight naman sa laro kanina ang harapan nina Westbrook at Durant na nagkainitan pa at naging dahilan para patawan sila ng double technical.

Matapos ang laro ay minaliit lamang ni Westbrook ang pangyayari bunsod ng ordinaryo na ang palagian niyang all-out performance.

Nagtapos si Kevin sa 21 points sa kanyang 8-for-17 shooting habang si Stephen Curry ay nagdagdag ng 24 points para sa Warriors.

Naging malaking tulong naman kay Westbrook ang iba pang niyang All-Star teammates na sina Carmelo Anthony na tumipa ng 22 points at si Paul George ay nagpasok ng 20 puntos.

Sa ngayon, umangat na sa kanilang record ang Thunder sa 8-9, samantalang bitbit naman ng Warriors ang 13-5 na kartada. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply