1 dedo sa gang war

DEDO ang isang 18-anyos na lalaki nang makasagupa ang kalabang grupo ng kabataan sa harap ng Shell gasoline sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Aldrin Lacaba, alyas Indek, ng Bldg. 28 Temporary Housing Aroma, Tondo dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Naaresto naman ang suspek na si Leo, ‘di tunay na pangalan, 17, ng Aroma Compound, Tondo, ng mga rumespondeng elemento ng Manila Police District (MPD)-Police Station 1.

Naganap ang insidente dakong 12:20 ng madaling-araw sa nabanggit na lugar.

Ayon kay PO2 Michael Datur, ng Smokey Mountain Police Community Precint, nagpapatrolya sila sa lugar nang mamataan ang dalawang grupo ng kabataan.

Nang magpang-abot ang dalawang grupo ay nakarinig sila ng putok kasabay ng pagtatakbuhan sa iba’t ibang direksiyon ng mga kabataan.

Nakita nila ang suspek na may dalang baril kaya hinabol nila at pinasuko kung saan nakumpiska sa suspek ang isang paltik na baril.

Itinurnover naman sa MPD headquarters ang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang demanda. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply