1-year extension ng Martial law, kukuwestyunin sa SC

IAAKYAT sa Korte Suprema ng Magnificent 7 ang isyu ng pagpapalawig sa Martial law sa Mindanao nang isang taon.

Kinumpirma ni Albay Rep. Edcel Lagman na maghahain sila ng petisyon sa SC kaugnay sa Martial law na ipinagkaloob ng KOngreso nitong Miyerkules sa kahilingan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna rito, inaprubahan ng 240 senador at mga kongresista na pabor at 27 na tutol ang Martial law extension mula sa January 1, 2018 – December 31, 2018.

Magkahiwalay na bumoto ang mga senador na may 14 na pabor at apat na tutol habang ang mga kongresistang pabor ay 226 at 23 naman ang tutol.

Aniya, hindi lamang miyembro ng Magnificent 7 ang aakyat sa SC kundi meron pang mga iba’t ibang grupo.

“Hope this time the Supreme Court will see one there is no factual and constitutional basis for extension of Martial law. ‘Yung sinabi ng military authorities they only constitute threats but these are not grounds for extending martial law,” giit pa ni Lagman.

Pangalawang rason na binigyang-diin ni Lagman ay ang mahabang palugit na isang taon na taliwas aniya sa isinasaad ng konstitusyon.

Naniniwala si Lagman na ito ang pangalawang pagkakamali ng Kongreso dahil noong una ay nang palawigin ang unang deklarasyon ng Martial law sa Mindanao dahil sa marawi siege.

Ang petisyon ay ihahain ng grupo ni Lagman bago ang Pasko. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply