10-araw na unilateral ceasefire, tinapyasan ni Digong

NATAPYASAN ng apat na araw ang 10-araw na unilateral ceasefire na idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipatutupad na lamang aniya ang tigil-putukan simula sa December 23, 6:00 p.m. hanggang December 26, 11:59 p.m at mula December 30, 6:00 p.m. hanggang January 2, 11:59 p.m.

Nauna rito, 10 araw na ceasefire na magsisimula sa December 24, 2017 hanggang January 2, 2018 ang idineklara ni Pangulong Duterte.

Sa kabilang dako, ipinauubaya na ng Malakanyang sa publiko ang pagpapasya kung maniniwala sa pahayag ni Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Maria Sison na sham o peke lamang ang idineklarang unilateral ceasefire ni Duterte teroristang grupo.

Binigyang-diin nito na hindi naman para kay Sison ang ideneklarang tigil-putukan kundi para sa mga tao upang mabawasan ang alalahanin ng mga ito ngayong panahon ng Pasko.

Kaya, hindi na aniya dapat ipagtaka kung hindi na nararamdaman ni Sison ang diwa ng Pasko sa Pilipinas dahil ang tagal na rin itong naninirahan sa ibang bansa.

Dapat pa nga ay ipagpasalamat nito ang deklarasyon ng suspension of military operation dahil kung tutuusin pwede naman hindi na nagdeklara ang Chief Executive ng ceasefire. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply