10 timbog sa buy-bust ops sa Cubao inn

TIMBOG ang 10 lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng QCPD-District Drug Enforcement Unit sa Cubao, Quezon City.

Ang mga suspek na tinarget ay nasa loob ng isang motel sa Imperial St. sa Cubao.

Nakuha mula sa mga suspek ang 35 sachet ng shabu na tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga.

May mga nakuha ring vial at hiringgilya na ginagamit umano ng mga suspek.

Ayon sa mga awtoridad, tinutunaw ng mga naarestong user ang shabu, ilalagay sa vial at saka gagamitan ng hiringgilya para maiturok sa katawan.

Kita pa sa braso ng mga suspek ang maliliit na sugat na pinagtusukan nila ng hiringgilya. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply