11 pang firecracker-related injuries, naitala

ISANG araw bago ang New Year revelry, 11 pang kaso ng firecracker-related injuries ang naitala kaninang Biyernes ng umaga.

Kaya naman ang kabuuan ng nasugatan ay umakyat sa 72 cases, na ayon sa Department of Health (DOH) ay 59 percent na mas mababa kaysa nakaraang limang taon, at 40 percent na mas mababa sa parehong panahon nitong nakaraang taon.

Nanguna ang Metro Manila sa may pinakamaraming bilang ng kaso sa 32 incidents, sinundan ng Western Visayas na may siyam na kaso at ang Bicol region na may walong kaso.

Sa Metro Manila, ang lungsod ng Maynila ang may pinakamataas na bilang ng kaso sa 21, kasunod ng Mandaluyong City at Quezon City na may tig-apat.

Sa latest Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 report, napansin ng DOH na walang naitalang insidente ng fireworks ingestion at stray bullet injuries.

Sa 72 na kaso, 69 o 96 percent ay kalalakihan. 55 sa kaso o 76 percent ay active users, habang ang 54 incidents ay nagyari sa lansangan.

Dagdag ng DOH na ang top injury sites ay sa kamay na (68 percent), mata na (15 percent) at sa ulo na (10 percent).

Ang illegal fireworks ang siyang pangunahin na dahilan para sa 52 na kaso, na ang 44 na nasugatan ay sanhi ng piccolo, isang illegal pero popular na paputok para sa mga kabataan.

Samantala, pinayuhan ng DOH ang mga magulang at caregivers na maging mapatmatyag at tinayakin na ang kanilang mga anak ay makabili ng tama at hindi nakakasugat na paputok para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Matatandaang ang executive order no. 2017 ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naglilimita sa paggamit ng paputok upang ma-minimize ang pagkakaroon ng kapansanan at kaswalidad. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply