1,200 pasahero ng tren, pinababa sa aberya

NASA mahigit 1,000 pasahero ng MRT ang napilitan na namang bumaba sa tren matapos makaranas itong muli ng aberya Biyernes ng gabi, November 15, 2017.

Huminto sa southbound lane ng Kamuning station ang isang tren ng MRT alas-7:00 ng gabi ngunit hindi na ito muli pang umandar.

Dahil dito, pinababa ang lahat ng nasa 1,200 pasahero ng mga bagon at napilitang maghintay na lamang ng isa pang tren.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na napilitang magpababa ng tren ang daan-daang pasahero dahil sa insidente ng electrical failure.

Halos araw-araw nang nakakaranas ng aberya ang MRT nitong nakalipas na mga buwan. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply