13th straight wins, nasungkit ng Cavs vs Kings

SA pamamagitan ng 32 points, 11 rebounds at 9 assist ni Lebron James, nasungkit ng Cavaliers ang kanilang ika-13 panalo matapos pasadsadin ang Sacramento Kings, sa iskor na 101-95.

Ang one-assist shy para sa triple-double performance na ipinakita ni James ang siyang nagpatikim sa Kings ng kanilang 17 pagkatalo.

Si James pa rin ang nagbaon sa Sacramento matapos na maibuslo niya ang 3-pointer kahit may 15 seconds na lang ang nalalabi sa game.

Napansin pang sa hindi malamang dahilan ay tatlong beses ding nagpalit ng kanyang sneakers si LeBron sa kabuuan ng kanilang laro.

Ibinuhos na ng lahat ng Kings ang kanilang alas pero bigo silang mapigilan ang napakaswerteng si James na nagtapos sa 12-of-18 at meron pang limang 3-pointers.

Dahil sa panibagong panalo ng koponan napantayan na ng Cavaliers ang franchise record na 13th straight wins noon.

Sa panig naman ng Sacramento, nanguna naman si Zach Randolph na may kabuuang 18 points at 10 rebounds habang si Buddy Hield ay nagdagdag ng 17. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply