14 insidente ng indiscriminate firing, naitala ng PNP

MULA December 16 ng alas-6:00 ng umaga hanggang December 27, nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 14 na insidente ng iligal na pagpapaputok ng baril.

Ayon sa kanilang datos, pito sa mga ito ang naitala sa Metro Manila, tig-isa naman sa Regions 1, 5 at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) habang tig-dalawa naman sa Regions 3 at 7.

Nasukol naman nila ang siyam katao kabilang na ang dalawang pulis, isang security guard, isang sibilyan sa Metro Manila, isang barangay kagawad sa Region 1, habang pare-parehong sibilyan naman ang apat na naaresto sa Regions 3 at 7.

Sa ngayon ay may pito pa silang pinaghahanap dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril kabilang na ang limang sibilyan sa Metro Manila, isang dating CAFGU sa Region 5 at isang pulis sa ARMM.

Samantala, pumalo naman na sa tatlo ang biktima ng ligaw na bala. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply