18 sugatan sa magnitude 6.2 na lindol sa Iran

INUGA ng 6.2-magnitude na lindol ang southeastern province ng Iran na Kerman.

Ayon sa national emergency service ng Iran, 18 katao ang nasugatan sa Hejdak at Ravar villages.

Nawasak naman ang mga bahay mula sa anim na lugar at kinansela ang mga klase sa lahat ng antas sa mga paaralan.

Matapos ang magnitude 6.2 na lindol, nakapagtala pa ang US Geological Survey ng malalakas na aftershocks na magnitude 6.0 at 5.9.

Noong November 12, niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Kermanshah, Iran kung saan nasa 620 katao ang namatay. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply