2 holdaper utas sa parak

DALAWA sa tatlong holdaper ang patay matapos makaengkwentro ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang suspek na sina Nestor de Vera Jr., 24, miyembro ng Sputnik Gang, habang inilarawan naman ang isa pang nasawi na nasa edad 35 – 40, miyembro ng Commando Gang na sinasabing may alyas na “Lugaw”.

Sa report ni Det. Marlon San Pedro ng Manila Police (MPD) – homicide section, alas-12:55 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa Solis St., sa Tondo.

Nauna rito, hinoldap ang isang Delia Lopez kung saan sapilitang tinangay ang kanyang pitaka na naglalaman ng P10,000 cash; gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P2,000 at isang cellphone sa Cavite St.

Nagreklamo ang biktima sa tanggapan ni P/Supt. Jay Dimaandal , Station Commander ng MPD-Raxabago Po na agad na ipinag-utos kay Chief Insp. Manny Israel , hepe ng Station Anti-Crime Unit ang pagsasagawa ng follow-up operation at namataan ang 3 suspek sa Solis St.

Natunugan umano ng mga suspek na sila ang pakay ng mga pulis kay pinaputukan kaagad ng mga pulis dahilan para gumanti na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa , habang nakatakas naman ang isa nilang kasamahan.

Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre 45 baril , na kargado ng 3 bala at 38 kalibreng baril, bukod sa 3 pirasong bala ng 9MM na kalibreng baril.

Positibo naman kinilala ng biktima ang mga napatay na nangholdap sa kanya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply