2 tulak huli sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang dalawang umano’y tulak ng droga matapos madakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis na nagresulta ng pagkakakumpiska ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga P250,000 sa Quezon City, kaninang umaga Disyembre 28, Huwebes.

Ayon kay C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, director ng Quezon City Police District, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Pierre Salandan at Albert Albuera, kapwa nasa hustong gulang residente ng New York St., Brgy. E. Rodriguez, Sr., QC.

Sinabi sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan sa District Drug Enforcement Unit (DDEU), kasama ang mga barangay official at kagawad ng media makaraang makatanggap ng sumbong hinggil sa pagbebenta ng droga ng dalawa.

Alas-7:10 ng umaga sa Shell gasoline station sa New York cor. West Point St. ,QC nagkasundong magbebentahan ng droga ang suspek at poseur buyer.

Sa aktong iniaabot ng dalawang suspek ang droga sa isang asset ng pulis, ay agad na inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska ng mga pulisya ang 50 gramo ng shabu at nabawi rin ang P10,000 marked money na pinambayad sa mga suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa section 5 at section 11 ng RA 9165 o drug pushing ang mga suspek. SANTI CELARIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply