2017 WATER PRE-SUMMIT, TAGUMPAY NG NWRB!

ESPESYAL ang taong ito para sa National Water Resources Board (NWRB) sa pangunguna ni Executive Director, Dr. Sevillo David Jr. dahil sa pitong araw na water pre-summit na layong bumuo ng National Water Roadmap na siyang titiyak sa kasapatan ng suplay ng tubig sa hinaharap.

Isinagawa ito sa lalawigan ng Davao, Bohol, Pampanga, at sa Crowne Plaza, Manila Galleria at lungsod ng Quezon mula buwan ng Mayo hanggang Hulyo taong kasalukuyan.

Ang naturang water road map ay naka-ayon din sa direktiba ng kasalukuyang administrasyon na tugunan o agapan ang nakaabang krisis sa tubig sa pamamagitan ng paglikha ng isang komprehensibong plano na nakabatay sa pitong sector; domestic, economic, urban, resilience, governance, agriculture at environment.

Batay kasi sa pagtataya ng United nations Development Program (UNPD), maaring hindi pa kapansin-pansin sa ngayon ang maaring maging kakulangan sa mga darating na panaon dahil mayroong pang lumalabas sa gripo sa mga tahanan, industriya, at mga komunidad. Ngunit anila, sa pagsapit ng taong 2020 ay lalaganap ang krisis sa tubig hindi lamang bansa, ngunit maging sa malaking bahagi ng mundo.

Isang mahalagang teknolohiya ang napag-usapan sa pulong. Ito ay ang rain water catchment technology na maykakayahang magsala ng tubig-ulan. Sa 2,300 milimetrong tubig ulan kasing bumabagsak sa bansa taun-taon, nasa 40% lamang nito ang naitatabi at ang malaking bahagi ay napupunta lamang sa mga karagatan.

Nagkaroon ng pagkakataon ang National Economic Development Authority o NEDA na ilahad dito ang mga programa at summit recommendations ng gobyerno patungkol sa water security. Nagbigay-daan din ito upang marinig ang ilang suhesyon ng pribadong sektor at mga research findings ng University of the Philippines Los Baños.

-ooOoo-

MGA PENSYONADO NG SSS MATATANGGAP NA ANG 13TH MONTH, DECEMBER PENSION

Matatanggap na ng mahigit sa 2.2 milyong pensiyonado ng Social Security System (SSS) ang kanilang 13th month at pensiyon para sa buwan ng Disyembre simula Nobyembre hanggang Disyembre 8.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, ipinasok na sa mga bangko ang pondo para sa 13th month at December pensiyon simula pa noong Nobyembre 15 upang bigyan sila ng sapat na panahon na ipasok sa bank account ng mga pensyonado ang kanilang 2 buwang pensyon.

Ilan sa mga bangko ay nakapagbigay na ng 13th month at December pension simula noong Nob. 15.

“Pinakiusapan na po namin ang mga bangko na ibigay ang 13th month pension sa mga pensyonado nang hindi lalagpas sa Disyembre 8 habang iniwan namin ang  pagpapasya sa mga partner-banks kung kailan nila ilalabas ang regular na pensiyon nilang ngayong Disyembre kasi maaaring kasabay ito ng 13th month pension o ‘di kaya’y batay sa karaniwang iskedyul nang paglalabas ng regular monthly pension,”
ani ni Dooc.

Ipinaalala rin ng SSS sa mga pensiyonado na ang basehan ng 13th month pension ay ang basic monthly pension, maliban sa dependent’s pension, kung mayroon man. HILDA ONG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply