2018 nat’l budget, Tax Reform Bill, maaaprubahan na

UMAASA si House Speaker Pantaleon Alvarez na maaaprubahan na ng Kongreso at Senado ang panukalang P3.8-trilyong national budget at tax reform bill sa susunod na linggo.

Nakatakda na kasing matapos ang sesyon ng Kongreso sa Martes at magsisimula na ang kanilang isang buwang Christmas break sa Miyerkules.

Kumpiyansa ang mambabatas na magkakasundo na ang dalawang kapulungan para sa pinagdedebatehang mga bersyon ng pambansang budget bago pa man matapos ang sesyon.

Ayon kay Alvarez, naresolba na ng conference panel sa pamumuno nina Sen. Loren Legarda at Davao City Rep. Carlo Nograles ang mga isyu sa alokasyon ng budget.

Samantala, inaasahan na ring maaaprubahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o tax reform bill.

Layon ng naturang bill na taasan ang ilang mga consumer commodities upang mabigyang pondo ang infrastructure projects ng gobyerno. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply