25 assists ni Rondo, highest huling 21 taon

NAKAPAGTALA ng kasaysayan ang New Orleans Pelicans point guard na si Rajon Rondo matapos makuha ang NBA season-high 25 assists sa laban kontra sa Brooklyn Nets pagkatapos ang mahigit dalawang dekada.

Si Rondo ang player na sumunod sa yapak ni Jason Kidd matapos ang 21 taon.

Nakapagtala si Rondo ng 25 assists sa loob lamang ng 30 minuto para sa Pelicans laban sa Nets, 128-113.

Si Kidd naman ay nakapagtala ng 25 assists noong 1996. Si Scott Skiles pa rin ang may hawak ng assists record sa single NBA game na umabot sa 30 noong 1990.

Samantala, inihayag ni Cleveland Cavaliers coach Tyronn Lue na magiging kaabang-abang ang pambihirang road practice na isasagawa nila ngayong linggo.

Ayon kay Lue, makakasama na sa isang full-court practice sa kauna-unahang pagkakataon si Isaiah Thomas.

“It’ll be a practice, get some shots up, cover defensive rules and principles and also scrimmage a little bit so Isaiah can get a feel and play 5-on-5,” ani Lue.

Nabatid na no show pa rin hanggang sa ngayon si Thomas sa panibagong NBA season dahil nagpagaling pa ito sa tinamo nitong hip injury noong playoffs ng nakaraang season.

Kung maaalala, si Thomas, kasama ang dalawang iba pa ang ipinalit ng Boston Celtics kay Kyrie Irving ng Cavs sa naganap na blockbuster trade sa pagitan ng dalawang teams noong Agosto.

Hawak ng Cavs ngayong season ang 24-11 win-loss record kung saan sila ang No. 3 sa Eastern Conference. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply