3 drug suspects tiklo sa P100k shabu

DAKIP ang tatlong drug suspects sa isinagawang entrapment operation sa isang apartelle sa Quezon City.

Ayon kay C/Insp. Ferdie Mendoza, hepe ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD), isinagawa nila ang operasyon Lunes ng umaga na nagresulta sa pagkaka-aresto kina Edifir Banacia, Alfredo Ayong at Ana Marie Escoria.

Nakuha mula sa tatlo ang 20 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000.

Itinanggi naman ng tatlo na nagbebenta sila ng droga pero aminadong sila ay users.

Ani Mendoza, matagal na nilang minamanmanan ang tatlo na ang taktika ay magpalipat-lipat sa magkakaibang apartelle sa lungsod.

Lunes ng alas-4:00 ng umaga nang matunton ang tatlo sa apartelle sa New York St. kanto ng St. Mary St. sa Brgy. E. Rodriguez, Cubao.

Mayroon aniyang asset ang pulisya na matagal nang sumusubaybay sa tatlo at nang matiyak ang lokasyon ng mga ito ay agad ikinasa ang operasyon. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply