4 mangingisda, tiklo sa air compressor

ANDA, PANGASINAN – Arestado ang apat na mangingisda matapos mahuli sa aktong gumagamit ng air compressor sa karagatan ng Anda sa nasabing lalawigan noong Lunes, December 11.

Nakilala ang mga suspek na sina Alfredo Laurente, 44; Eladio Gualberto, 47; Rodolfo Rique, 47; at Raniel Caasi, lahat ng nasabing bayan.

Ayon sa Anda police, naaktuhan ng mga miyembro ng Bantay Dagat ang mga suspek na nangingisda gamit ang isang compressor na siyang nagsisilbing hangin ng maninisid upang makahuli ito ng isda sa karagatan ng Brgy. Tondoc.

Ang air compressor ay isa sa mga illegal fishing equipment na iginawad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nakumpiska mula sa mga suspek ang gamit na air compressor at kulang-kulang na 10 kilo ng mga iba’t ibang klase ng isda.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Anda police jail. ALLAN BERGONIA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply