4 SC justices, humarap sa Kamara vs CJ Sereno

APAT na mahistrado ng Korte Suprema ang humarap kahapon sa House Justice Committee upang ibigay ang impormasyong kanilang nalalaman sa isyung ipinupukol kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si Assocuate Justice Teresita de Castro na dalawang beses nang humarap sa komite, unang pagkakataon na pagharap ni Associate Justice Noel Tijam na tetestigo sa usapin ng paglipat ng Maute cases sa Taguig Regional Trial Court, Associate Justice Francis Jardaleza at Retired Assciate Justice Arturo Brion na kapwa tetestigo sa manipulasyon ni Sereno sa nominasyon sa Judicial and Bar Council.

Sa pagharap ni Tijam sa pagdinig, sinabi nitong maraming dapat na ipaliwanag si Sereno kung bakit naging mabagal ang paglilipat ng Maute cases sa Taguig.

Aniya, May 2017 nang unang isumite ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang request para sa Maute cases transfer sa labas ng Mindanao pero inabot hanggang Agosto 8, 2017 bago nakapagpalabas ng en banc decision.

Inirekomenda rin umano ni Court Administrator Midas Marquez na ilipat sa Taguig ang kaso dahil nasunog ang korte sa Cagayan de Oro, nagsumite pa umano si Marquez kay Sereno ng Memorandum kasama ang mga resolusyon ng Integrated Bar of the Philippines-CDO at Joint Resolution ng mga Business Organization sa CDO na tumututol na sa lalawigan dinggin ang kaso ng Maute subalit pawang hindi rin isinumite ni Sereno sa en banc.

“Nakakapanlumo lamang na hindi pinagtiwalaan ni Sereno sa Marquez,” paliwanag ni Tijam.

Nilinaw ni Tijam na hindi siya testigo ng complainant na si Atty. Larry Gadon at ngayon lamang niya ito nakilala at nakausap. GAIL MENDOZA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply