47 Koreanong wanted sa SoKor, sinipa

NASA 47 South Korean fugitives na wanted sa iba’t-ibang krimen sa kanilang bansa ang pinatalsik ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ito ang kauna-unahang mass deportation na nangyari kung saan itinurnover ang nasabing bilang ng mga puganteng dayuhan sa pulisya ng Korea sa kanilang pagdating sa international airport sa Incheon.

“All of them were expelled pursuant to deportation orders issued by our board of commissioners and they were all placed in our blacklist of undesirable aliens to prevent them from re-entering the Philippines,” ani Morente.

Ayon pa kay Morente, ang pagpapatalsik sa nasabing mga pugante ay upang ma-decongest o mabawasan ang mga nakapiit sa detencion facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

“We have secured the necessary clearances to make sure that they have no pending civil and criminal cases before our courts,” anang BI chief.

Sinabi ni Atty. Ma. Antonette Mangrobang, BI spokesperson, na wanted sa Korea sa kasong swindling at internet fraud, kabilang ang voice phishing ang mga pinatalsik habang ang dalawa pa dito ay wanted sa kasong pananakot at pananakit habang ang isa pa ay sa iligal na droga.

Ang ilan naman ay overstaying na nagboluntaryo namang magp-deport.

Naaresto ang mga Korean national sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t-ibang panig ng bansa ng mga ahente ng fugitive search unit dahil sa kahilingan ng Interpol at Korean Embassy sa Maynila. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply