51 pts. ni Beal, nagpanalo sa Wizards vs Blazers

NAGTALA ng 51 points ni Bradley Beal ng Washington Wizards para iangat ang koponan laban sa Portland Trail Blazers sa iskor na 106-92.

May 21 field goals at limang three-pointers si Beal para umabot sa 23 points ang lamang ng Wizards.

Dahil sa panalong ito, nakabawi ang Washington sa kalunos-lunos na 47 points na abanse ng Utah Jazz sa kanilang sagupaan kahapon, 116-69.

Sa kampo ng Portland, nagpasok naman ng impresibong 30 points, walong rebounds at siyam na assists si Damian Lillard.

Naging mainit agad ang umpisa ng Wizards sa kanilang 11-0 run para itala ang 31-22 sa first half.

Gayundin si Beal na tumipa naman ng 19 points sa nasabing period.

Hawak nila ang 51-37 lead pagdating ng break.

Tumira ng layup si CJ McCollum para dalhin ang iskor sa 72-81 ngunit sumagot ng isang three si Beal.

Humataw ng isang three si Al-Farouq Aminu sa huling 1:28 upang ilista ang 90-99.

Sinelyuhan naman ni Beal ang paghahari ng Washington sa pamamagitan ng kanyang dunk sa huling 24 seconds.

Bibisita sa teritoryo ng Phoenix Suns ang Wizards sa Biyernes, habang ang Trail Blazers ay makakatunggali ang Houston Rockets sa Linggo. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply