52-anyos, 15 stude timbog sa P1.5M marijuana

SABANGAN, MOUNTAIN PROVINCE – Arestado ang 52-anyos na van driver at 15 na estudyante galing Tondo, Manila matapos mahulihan ng P1.5-million dried marijuana leaves sa Sabangan sa nasabing lalawigan kahapon, December 10.

Kinilala ang van driver na si Bayani Malan, ng Tondo, Manila.

Habang ang 15 estudyante na ‘di pinangalanan ay pawang mga pag-aaral ng Tondo.

Sa report ng Sabangan police, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen mayroong isang van na may angkas na marijuana mula Baguio City papuntang Manila na dadaan sa bayan ng Sabangan.

Dito, nagsagawa agad ng checkpoint ang Sabangan police sa ilang sulok ng bayan.

Sa checkpoint, pinara ng mga pulis ang van at pagbukas ng pinto nito ay nakalanghap agad ang mga awtoridad ng kakaibang amoy sa loob ng van.

Nang halughugin ang loob ng van, dito tumambad ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.5-milyon.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 56 marijuana bricks, apat na bundle na marijuana stalks at powdered marijuana.

Agad na dinala ang mga suspek sa Sabangan police station na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. ALLAN BERGONIA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply