6 tiklo sa shabu

TIKLO ang anim na katao matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa Brgy. Kaligayahan.

Batay sa paunang pagsisiyasat, alas-4:45 ng madaling-araw nang isagawa ang operasyon sa kanto ng Quirino Highway at Zabarte Road ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng QCPD Station 5.

Kinilala ang anim na sina Florence Romano, 29, Wilson Casitas, 30, Jonathan Dimaano, 33, Eric dela Torre, 22, at Leozel Cipriano, 36, na pawang residente ng Taguig City at Rainbow Solis, 23, taga-Caloocan City.

Nakumpiska sa kanila ang isang Toyota Avanza, P1,000 buy-bust money at 28 gramo ng hinihinalang shabu.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ang anim na naaresto. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply