7-anyos na hindi nabakunahan, dedo sa dengue

INANUNSYO ng isang assistant secretary ng Department of Health (DOH) ang pagpanaw ng isang batang babae sanhi ng dengue.

Sinabi ni Dr. Eric Tayag, DOH Assistant Secretary para sa policy and health systems, na ang hindi pinangalanang paslit na namatay kaninang Martes ng umaga ay 6-anyos lamang.

“Yesterday while the senate was unearthing facts to sort out the #dengvaxia debacle, I prayed hard so that a 6-year old girl I visited in a hospital will recover from organ failure due to severe #dengue She was unvaccinated She died early today 🙏 I’m💔#stopDengue,” ayon sa Tweet ni Tayag.

Habang aniya nanonood siya ng Senate blue-ribbon committee’s hearing sa P3.5-billion Dengvaxia deal sa pagitan ng gobyerno at Sanofi Pasteur, binisita niya ang 6-anyos sa ospital nitong nakaraang Lunes.

Kaugnay nito, iginigiit pa rin ni Janette Garin, DOH secretary nang sumipa ang dengue immunization, na ang Dengvaxia deal ay above board at itinanggi na ito’y isang “midnight deal.”

Matatandaang dahil naman sa kontrobersiyang kinasasangkutan, sinuspinde ni Health Sec. Francisco Duque III ang dengue immunization program ng pamahalaan matapos magpalabas ang Sanofi Pasteur ng isang advisory na ang Dengvaxia ay maaring maging sanhi ng severe dengue kapag itinurok sa taong hindi pa naaapektuhan ng virus.

Suportado naman ng World Health Organization (WHO) ang panawagan ni Duque na ihinto na muna ang dengue immunization program.

Nabakunahan na ng DOH ang may 830,000 school children sa Metro Manila, Southern Luzon, Central Luzon at Cebu province.

Ang dengue vaccine ay itinuturok sa mga kabataan na edad 9-pataas.

Inihayag naman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na may natanggap silang ulat na may tatlong Dengvaxia-vaccinated na kabataan ang namatay sanhi ng dengue. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply