Aldub fans, napraning sa open letter ni Maine Mendoza

SAMU’T SARI ang reaksyon ng fans sa open letter na ipinaskel ni Maine Mendoza sa kanyang social media account. Marami sa kanila ay hindi pa rin maka-get over.

Matigalgal sila sa katotohanang hindi pala mag-on sina Maine at Alden Richards. Na sa simula’t simula pala ay puro pagkukunwari lang ang lahat. Kumbaga, natanso sila ni Yaya Dub at ni Pambansang Bae. Susme!

Balitang may nangyayari na raw na mass suicide sa mga fanatic fan ng dalawa. Pero sa awa naman ng Dios, wala pang napapabalitang may natigbak o naospital man lang sa kanila. Hehehe!

Naunahan pa sila ni Alden na isinugod daw sa hospital noong isang araw dahil sa food poisoning. Hindi nga raw nito natapos ang Eat Bulaga. Nakapagtataka namang nalason siya sa pagkaing kinain niya nung gabi pa. Dapat ora mismo ay nakaramdam siya ng kakaiba pagkatapos kumain.

Ang nangyari sa kanya ay hapon na nang malason. Kaya ang na isip ng ilan ay sobrang stress lang ito dahil sa ibinulgar ni Maine. Marahil naisip ng aktor baka maapektuhan ang career niya ngayong alam na ng lahat na nagkukunwari lang pala sila ng katandem niya. Paano na kung pagwelgahan sila ng fans at hindi na sila suportahan dahil sa panloloko nila?

Hindi nila masisisi ang fans kung naging possessive man ang mga ito sa relasyon kuno nila dahil sila namang dalawa ang nagtanim nito sa isip ng kanilang mga tagahanga. Hindi ba?

Anyway, may mga fan namang nakauunawa kay Maine. Naiintindihan nila ang ipinagmamaktol niya, at nangangakong susuporta pa rin sila.

Iyon nga lamang, hindi raw alam ng management ang hakbang na ginawa niya. Kaya pati si Alden na-shock.

Idinamay din daw ni Maine ang trabaho nito. Ayaw daw nitong magtaping ng Christmas special na gagawin ng Kapuso network. Ano ang ibig niyang sabihin, nagrerebelde siya! Dahil lang sa lalake nagkakaganyan na siya? O baka lang gusto na talaga niyang makawala sa kaplastikang tamabalan nila ni Alden. ‘Yun na!

FIRST EPISODE NG KAMBAL, KARIBAL PATOK AGAD!

Hindi pinalagpas ng Kapuso viewers ang pagsisimula ng pinakabagong Primetime series ng GMA na Kambal, Karibal na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, a.k.a. BiGuel.

Marami ang humanga dahil first episode pa lang ay mukhang marami na talagang kaabang-abang na eksena dito. Unang nabighani ang mga ito sa mga eksena ng veteran stars na sina Carmina Villaroel at Alfred Vargas na silang gumaganap bilang Geraldine at Allan.

Mukhang marami naman ang nasuklam sa pagpapakita agad ng kasalbahihan ng karakter ni Marvin Agustin as Allan na siyang nagbabalak ng masama para muling makuha ang ex-girlfriend niyang si Geraldine. Idagdag mo pa ang pangfiflirt ni Nida (Katrina Halili) na talagang nakakagigil. Grabe, pasabog agad agad, huh! Congratulations, GMA, para sa kakaibang konsepto na ito sa telebisyon!

YASMIEN KURDI, NAMISS ANG PAGKANTA!

There is no denying na namiss talaga ni Yasmien Kurdi ang pagkanta. Kita ito sa recently uploaded na video niya sa kanyang Instagram kung saan kaduet niya ang isa sa mga katrabaho niya sa upcoming series niya sa GMA na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Kinakanta ng Kapuso actress ang isa sa mga paboritong kanta ng masa kaya naman ang followers niya, natutuwa nang marinig ulit ang tinig niya. Tanong tuloy ng karamihan, maririnig din ba nila ang singing voice na ito ni Yasmien sa kanyang upcoming GMA Afternoon prime series?

Para sa sagot, sabay sabay natin ‘yang abangan sa GMA. Soon!

***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 11:00-12:00 midnight, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply