Andray Blatche, pinapapalitan na

KUNG si dating 2-time PBA Most Valuable Player (MVP) na si Willie Miller ang tatanungin, dapat nang palitan si Gilas Pilipinas naturalized player Andray Blatche.

Sa panayam Miller, sinabi nitong hindi na nakakatulong si Blatche sa national basketball team ng Pilipinas.

Pinuna nito ang mahinang performance ni Blatche kamakailan sa laro ng Gilas laban sa Japan at Chinese-Taipei para 2019 FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers.

Inamin ni Miller na nadismaya ito sa ipinakita ni Blatche dahil imbes na magsilbi ang naturalized player bilang sentro ng Gilas ay paulit-ulit lamang itong nag-dribble ng bola.

Naging miyembro ng national basketball team ng Pilipinas si Miller noong taong 2005, 2006 at 2008. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply