ANG KAPULISAN AT ANG BODY CAM

ANG sabi ng kapulisan, posible raw na masibak sa kanyang tungkulin bilang pulis ang sinoman sa mga tauhan Philippine National Police (PNP) na magtatanggal ng body cam sa kanilang mga katawan sa oras ng kanilang mga operasyon.

Ah, ah, ah, ah! Nag-alumpihit ako sa katatawa. Hindi ko tuloy malaman kung tatawa ako o papalakpak sa pagbibida na ito ng PNP tungkol sa body cam na bawal raw tanggalin sa oras ng kanilang operasyon.

Ang sabi kasi ng kapulisan, ang pagamit daw ng body camera ay para ipakita sa taumbayan o publiko ang “transparency” sa kanilang trabaho.

Ohhhhhh (talaga lang ah, baka naman hindi. He..he..he).

Alam ba ninyo, sa totoo lang ay gastos at sayang lang ang pera na ipambibili sa nasabing gadget. Bukod pa sa nonsense (walang sustansya, walang bigat at sagabal lang) ang paglalagay nito sa katawan ng mga operatiba.

Bakit kanyo?

Tingnan ninyo,‘yun ngang closed-circuit television (CCTV) na ubod na ng taas ang kinalalagyan nito ay nagagawa pang ipihit ng mga tulisang pulis, e, ‘yun pa kayang body camera na naka-bayubay lang sa kanilang katawan ang hindi nila magagawan ng paraan para sa kanilang mga maiitim na balak sa mamamayan? (Unbebebebeliiiiee…vable).

Baka hindi ninyo alam, mga pare ko, basta sa pagkakaperahan ay number one na “expert” ang ating kapulisan (pasintabi po, hindi ko po nilalahat).

Pero isa lang ang tinitiyak ko, may kumita na naman sa “transaction” na ito. Kung sino ‘yun, kayo na bayan ang mag-isip kung sino ang mga hinayupak na ito.

Hehehehe.

BUKAS PA RIN ANG SUGALAN

Gaya po ng ipinangako natin sa espasyong ito ay hindi tayo titigil hanggang hindi nagsasara ang pasugalan sa Baguio City. Aba’y bukas na naman daw ang bakarat at pa-color games nitong si Patrick sa Batawa Disco Bar sa Bokawkan sa Baguio City.

Baka hindi alam ito ni Mayor Mauricio Domogan at dumugin siya ng mga Baguionian at buligligin ng mga mamamayan niya sa paglipana ng pasugalan sa kanyang lungsod.

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply