ANONG HIWAGA MERON SA BURI?

ANO nga ba ang tunay na dahilan kung bakit tinanggap muli ng Department of Transportation ang mga incorporator ng BURI na tinigpas ang kontrata dahil sa palpak na performance ng MRT-3?

Mantakin ninyo, pinayagan daw muli ng DOTr na makasama sa bidding process ang BUSAN Transportation Corporation at ang Edison Development and Construction na kapwa mga kompanya ng BURI na sangkot sa kapalpakan sa mantinansya ng MRT-3.

Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit isinama muli ng DOTr sa bidding process ng MRT-3 ang ilang incorporator ng BURI gayung katatanggal lamang ang kontrata nito dahil sa palpak na pangangasiwa sa mantinansya ng MRT-3.

Ang sabi nga ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles, paano raw nasikmura ni DOTr Sec. Arthur Tugade na tanggapin ang mga ito gayung blacklisted na? Paano raw nasikmura ni Tugade isubo muli ang kanya nang isinuka?

Baka naman may mga mabubuting usapan. Hehehehe.

Hindi ko sinasabing natapalan ng milyones si sekretaryo na alam naman natin na super milyonaryo para pasukan ang kontrobersyal na pagkakasama muli ng dalawang kompanyang ito na nasa ilalim ng BURI.

Kung anoman ang mga hiwagang nababalot sa kontrobersyal na pagkakasama muli sa bidding process na ito ay ipaubaya na lang natin sa mga mambabatas na gaya ni Rep. Nograles.

WALANG AKSYON SI SUPT. SACULLES

Sa Baguio City, tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng puwesto pijo na pasugalan gaya ng bakarat, drop balls at color games ni Patrick sa Bocawkan at sa Dampa sa may Legarda Road na pawang nasa lungsod ng Baguio City.

Tila hindi na yata tinatablan ang mukha si chief of police Supt. Ramil Saculles na halos ilang metro lang ang layo ng mga pasugalan sa kanyang istasyon.

Mukha yatang pati si Pang. Rodrigo Duterte ay isinasangkalan ng mamang pulis na ito.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply