Artikulo sa Davao Boys, bad journalism – Palasyo

“BAD JOURNALISM” pa rin ang turing ng Malakanyang sa ginawang paglalabas ng Reuters sa artikulo hinggil sa tinaguriang “Davao Boys” na diumano’y notoryus sa pagpatay sa kasagsagan ng anti-drug war sa Quezon City.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inilabas ng Reuters ang naturang artikulo na hindi man lamang hinintay ang magiging panig ng pamahalaan.

Aniya, humingi sa kanya ng reaksyon ang Reuters correspondent at binigyan pa siya ng “ultimatum” na isang oras, bagay na hindi niya nasagot dahil nakatakda na siyang magsagawa ng regular press briefing sa Malakanyang.

Sinabi pa ni Sec. Roque na inaksyunan na gobyerno ang reklamo laban sa PNP Station 6 sa Batasan, Quezon City na pinamumunuan ni Supt. Lito Patay.

Hindi kinontra ng Office of the Solicitor General (OSG) o ng Malakanyang ang petisyong writ of amparo sa Korte Suprema.

Sa katunayan aniya ay hindi kinukunsinti ng estado ang mga extrajudicial killings sa anti-drug war ng administrasyon. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply