Babaeng gun courier, tiklo sa Ormoc

HINDI na nakabiyahe papuntang Davao City ang isang babaeng gun courier matapos makumpiskahan ng 10 iba’t ibang kalibre ng baril sa loob ng kanyang bagahe sa Ormoc City kaninang Martes ng Umaga.

Nakakulong na ngayon at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms, ammunitions and explosives ang suspek na si Jean Mata, 23.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:35 a.m. sa isang bus terminal sa nasabing lunsod.

Ayon sa dispatcher ng bus, napansin niyang may kabigatan ang dinadalang bag ni Mata kaya sinilip niya agad ang laman nito.

Bagama’t nabulaga, inimbitahan niya ang suspsek sa kanilang opisina kasabay ng patawag sa pulisya.

Nang usisain naman ng mga pulis, umamin ang suspek na ikalawang beses na niyang nagbabiyahe ng mga armas papuntang Davao City.

Depensa pa nito, hindi kanya ang mga baril at pinapadala lang sa kanya ng isang contact sa Palompon, Leyte kapalit ng pera. Hindi naman sinabi pa nito kung magkano ang ibinabayad ng kanya ng kontak. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply