BAGONG MAINTENANCE NG MRT-3 KASADO NA

KAPAG nagtuloy-tuloy na ang operasyon ng Metro Rail Transit-3 sa pangangasiwa ng bagong maintenance provider na kinuha ng Department of Transportation ay mawawala na rin ang araw-araw na sakit ng ulo ng mga mananakay nito.

Buti na lang at sinibak na ng DOTr ang serbisyo ng Busan Universal Rail, Inc. (BURI) at ibinalik nito ang Sumitomo-Mitsubishi Corporation na siyang kapalit na bagong maintenance provider ng MRT-3 (buti naman talaga).

Ang Sumitomo Corporation ay binubuo ng mga kompanya ng Japanese businessmen na kilala sa pagiging isa sa pinakamalaking kompanya na nangangasiwa sa mga daang-bakal sa buong mundo.

Bukod sa kilala ang kompanyang ito, eksperto rin ito sa pagiging maintenance provider ng mga sasakyang daang-bakal kaya naman kung magagawi kayo sa bansang Japan ay makikita ninyo ang mga tren dito na maayos na tumatakbo.

Hindi tulad ng MRT-3 na nasisira araw-araw dahil ang kompanyang BURI ang maintenance provider nito, hindi rin natin alam kung saan galing ito at kung sino ang tunay na nagmamay-ari nito.

Dalangin ng kolum na ito na matuloy na kung anoman ang transaksyon na namamagitan sa gobyerno at sa Sumitomo Corporation at harinawa’y wala na pong mga “under the table transaction.”

Alam ninyo ‘yan, DOTr Sec. Arthur Tugade……

UPDATE BALITA: GAMBLING DEN SA BAGUIO BUKAS NA NAMAN

Bukas na naman daw ang pasugalan na pa-beto-beto at pa-drop balls ng Nueva Ecijanong si Mang Oldak sa Carino Street (Otic), Baguio City sa tulong daw ng isang barangay kapitan. Alam kaya ito ni Kap. Agustin?

Naku po, gabi-gabi na naman daw dinarayo ng mga manunugal ang pwesto ng pasugalan ni Mang Oldak na bantay sarado pa ng mga barangay tanod ni kapitan.

Halos magdamagan daw ang operasyon ng pasugalan at napagkikitang umiikot ang mga pulis na nanghihingi ng “tong” sa nasabing sugalan.

Mayor Mauricio Domogan, bukas na naman ang pasugalan kaya dinudumog na naman ng mga manunugal ang ‘yung teritoryo.

May dumarating bang biyaya mula sa pasugalan sa inyong opisina kaya muli ninyo itong pinabuksan?

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply