Bagong serye ng barya, bawal pa sa LRT vending machines

NAGPAALALA ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) hinggil sa inilabas na bagong serye ng mga barya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa abiso ng LRT-1, ang mga bagong serye ng barya ay hindi pa tinatanggap sa kanilang ticket vending machines (TVMs).

Pinayuhan ang mga pasahero na kung walang ibang coins na maaring ibayad sa TVMs ay pwedeng bumili na lamang muna ng single journey ticket, stored value card o mag-load sa stored value card.

Maari rin namang magpalit sa teller sa mga istasyon ng tren para ang bagong coin ay mapalitan ng luma na tatanggapin sa TVMs.

Maglalabas naman ng abiso ang LRT-1 kung kailan pwede nang magamit sa TVMs ang mga bagong serye ng barya.

Magugunitang sinimulan nang ilabas ng Bangko Sentral ng Pilipnas ang mga bagong serye ng P10, P5 at P1. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply