Big break kina Paolo at Sandino ang Larawan!

SINA Paolo Avelino at Sandino Martin ang posibleng makinabang nang malaki kapag naging box office hit ang Larawan: The Musical; sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

And by box office hit, we mean mapasama man lang ito sa 4 topgrossers out of the eight entries.

O pwede na ring masabing hit ito kung ‘di mababawasan ang bilang ng mga sinehan na pinagtatanghalan nito sa pagisimula ng festival sa December 27 hanggang sa matapos ang MMFF 2017.

Actually, bale sina Rachel Alejandro at Joanna Ampil ang maituturing na mga pangunahing bituin ng Larawan dahil sila ang gumaganap na Candida at Paula, na siyang mga sentro ng istorya bilang matatandang dalaga na nakatira sa isang malaki at antigong bahay na bato at
may-ari ng isang sikat at misyeryosong painting.

Pero ‘di naman sa film industry naka-focus ang career nina Joanna at Rachel kundi sa live performing arts (stage, concerts). Ang talagang taga-showbiz ay sina Paulo at Sandino.

Si Paolo ay gumaganap na Tony Javier, isang bolero at babaerong pianista-singer sa isang bar at mangungupahan ng isang kuwarto sa antigong bahay. Mababalitaan niya ang tungkol sa misteryosong painting na gustong bilhin ng mayayamang collectors na ni hindi makapanhik sa antigong bahay dahil hindi naman nagpapasok dun ng kung sinu-sino ang dalawang nagpapaka-aristokrata pa ring old maids kahit pobre na sila.

Papaibigin ni Tony Javier ang isa sa matandang tigang para mauto nya ito na ibenta ang painting sa isang foreigner na nangakong bibigyan siya ng malaking komisyon. Papatulan naman siya nung isang old maid.

Si Sandino ay si Bitoy Camacho, isang batang peryodista (journalist) na ang mga magulang ay family friends ng pamilya Marasigan. Nung totoy pa lang siya, madalas siyang isama ng parents nya sa pagdalo sa mga bonggang party sa bahay na ‘yon, at matatandaan siya nung
dalawang old maids.

Nagpapanggap siyang ang dalawang matandang dalaga at ang ama nilang pintor ang dinadalaw niya. Pero nung bigla niyang ilabas ang note pad nya at isulat ang latest development tungkol sa pintor at sa misteryosong painting, nagdamdam sa kanya ang magkapatid na old maids.

May iba pang male character sa Larawan: The Musical pero ‘yung kina Paolo at Sandino ang major male roles. Actually, ‘yung character ni Sandino na Bitoy ang narrator ng dula. Nasa cast din si Robert Arevalo, at dahil major actor siya sa ating bansa, siguradong markado ang papel n’ya sa pelikula.

For both Paulo and Sandino, unang exposure nila sa MMFF ang Larawan. Pareho silang mas nalilinya sa indie films kesa sa mainstream movies.

Kung maging hit ang Larawan, malamang ay maging very interested din ang madla sa pelikulang Goyo ni Paulo, kung saan gumaganap siyang Gregorio del Pilar, na tinaguriang ang Batang Heneral sa kampo ng katipunerong Emilio Aguinaldo. Si Jerrold Tarog ang director ng Goyo na bale follow up ni Tarog sa naging mega hit na “Heneral Luna,” starring John Arcilla.

Remember na musical ang Larawan, kaya kahit na seryoso ang kuwento nito, siguradong marami ring pa-cute na mga eksena sa pelikula. Mga eksenang sing and dance. Hindi naman sang-through musical ang pelikula, hindi naman kinakanta ang lahat ng dialog (na gaya ng
ginagawa sa opera). So tiyak nawarami ring challenging drama scenes sa pelikula.

Maituturing na pinakamalaking pelikula ito nina Paolo at Sandino, lalo pa’t nalilinya nga sila so far sa low budget indie films.
Parang indie rin ang Larawan: The Musical dahil ang kumpanyang nagprodyus nito ay ‘di naman laging nagpoprodyus ng pelikula.

Si Loi Arcenas nga pala ang direktor ng pelikula. May dalawa o tatlong pelikula na naidirek, kabilang na ang Nino at Reguime, na parehong may matinding sense of humor. SHOWBYTES/DANNY VIBAS

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply