Biliran at Leyte, inuga ng lindol

NAKARAMDAM ng magkahiwalay na paglindol ang mga lalawigan ng Biliran at Leyte sa Visayas, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang nakaranas ng magnitude 3.1 na lindol ang Biliran dakong alas 6:29 ng gabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa kayong 5 kilometro sa kanlurang bahagi ng Kawayan, Biliran.

Samantala, dakong 11:48 ng gabi, naitala naman ang magnitude 3.8 na lindol sa Leyte.

Naitala ang episentro sa layong 7 kilometro sa silangan ng Capoocan, Leyte.

Wala namang naitalang pinsala sa dalawang pagyanig.

Matatandaang kapwa naapektuhan ng bagyong ‘Urduja’ ang dalawang lalawigan nitong nakalipas na araw. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply