Binatilyo dedbol sa rambol

PATAY sa isang saksak sa tiyan ang isang 21-anyos na binata makaraang makipagrambulan ang kanyang mga kaibigan sa grupo ng kalalakihan na nag-iinuman sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City, kagabi Disyembre 13, Miyerkules.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktimang si Limuel Cada Relox, 21, binata, walang trabaho ng No. 21 West San Jose St., California Village, Brgy. San Bartolome.

Si Relox ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Novaliches District Hospital sanhi ng malalim na saksak sa tiyan.

Agad namang nakatakas ang apat na lalaking nakarambulan ng grupo ng biktima, at isa dito ay nakilala lamang sa pangalang Allan Bora.

Sa report ni PO3 George Caculba, naganap ang rambulan alas-7:30 ng gabi sa harap ng California Resort sa Kalayaan Ave., Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Naglalakad ang biktima kasama ang mga kaibigang sina Sonny Val Tolentino, Mark Jason Gomez, Michael Dave dela Cruz, Rolly Colcol, Lenard Relox at Rodel Oria, nang mapadaan ang grupo ng una sa grupo ni Borra na noon ay nag-iinuman.

Dahil sa tila napormahan ang mga suspek sa grupo ng biktima ay isa dito ang lumapit at tila inasar dahilan upang magkarambulan.

Nang duguang bumagsak si Relox ay mabilis na nagkanya-kanya nang takbuhan ang mga suspek.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad upang madakip ang mga suspek na nakarambulan ng grupo ng biktima. SANTI CELARIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply