Bomb courier, dedo sa tandem

BAGO naikasa ang improvised explosive device (IED,) napatumba ng riding-in-tandem ang isang lalaki na may bitbit ng bomba sa Sultan Kudarat, kaninang Martes ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at namatay noon din ang pinaniniwalaang bomber na si Abdul Abubakar alyas “Datu Opam,” ng Mamasapano, Maguindanao.

Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Abubakar at ano ang motibo kung bakit pinasabog ang ulo nito.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8 a.m. sa national highway ng Brgy. Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat.

Bago ito, lulan si Abubakar sa kanyang motorsiklo nang buntutan ng riding-in-tandem at nang makalapit ay inasinta ito sa ulo ng kalibre 45. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply