Briton na wanted sa rape, timbog sa Makati

TIMBOG ang isang British National na wanted dahil sa kasong rape.

Kinilala ang suspek na si Kishore Mohan Mirpuri, 39, ng Le Metrope Condominium Penthouse 2, HV Dela Costa St., Makati.

Sa bisa ng arrest warrant, nahuli ng mga awtoridad si Mirpuri sa Yakal St., Brgy. San Antonio Village.

Mapayapa namang sumama ang suspek sa mga pulis.

Nabatid na naisyu ang warrant sa suspek noong October 4, 2016 sa pamamagitan ni Judge Tita Bughao ng Regional Trial Court Branch 1 ng Manila. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply