Bucks inapula ang Blazers

NAGSANIB-PUWERSA sina Khris Middleton sa kanyang 26 points at Eric Bledsoe sa naitala nitong 25 para dalhin sa Milwaukee Bucks ang kanilang 11th win kontra sa Portland Trail Blazers, 103-91.

Nag-ambag ng 20 puntos, siyam na rebounds at tatlong blocks si Giannis Antetokounmpo para sa Bucks.

Humataw naman ng 25 points at 11 rebounds si Jusuf Nurkic para pangunahan ang Portland na dinagdagan ng 18 points ni Damian Lillard.

Nahirapan ang Blazers na habulin ang 24 points na lamang ng Bucks sa third quarter.

Sinagot naman ng 11-foot jumper ni Middleton ang tangkang paghabol ng Portland sa pamamagitan ng layup ni Lillard sa huling 5:52.

Nabatid na nagharap na rin noon ang dalawang koponan kung saan dinomina ng career-high na 44 points ni Antetokounmpo ang laro, 113-110.

Babalik sa kanilang teritoryo ang Bucks kung saan dadalawin sila ng Sacramento Kings sa Linggo.

Sa nabanggit ding araw gaganapin ang bakbakan ng Blazers at New Orleans Pelicans na gaganapin sa Portland. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply