Budget cut sa ilang district congressmen, idinepensa ni Alvarez

IPINAGTANGGOL ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang naging pagtapyas sa budget sa ilang infrastructure projects sa ilang distrito ng ilang mambabatas sa katwirang kailangan ang pondo para umusad ang college education at dagdag-sahod sa uniformed personnel.

Giit ni Alvarez, hindi lang sa hanay ng oposisyon ang binawasan ng proyekto kundi maging mga kongresista na kaanib sa supermajority ng administrasyon.

“The funds slashed from some projects of the opposition and even those in the supermajority have been re-allocated to free college education in state universities and colleges and to augment the salaries and benefits of our men and women in uniform who are on the frontlines of the government’s war against terrorism and criminality,” nakasaad sa ipinalabas na statement ni Alvarez.

Sa ngayon, wala pang datos kung sino-sinong mambabatas ang natapyasan ng budget para sa proyekto sa kanilang distrito gayundin kung magkano ang kabuuang nabawas na pondo.

Matapos lagdaan sa Malacañang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2018 General Appropriations Act ay umalma ang ilang mambabatas na nabura sa 2018 budget ang ilang proyekto sa kanilang distrito kabilang ang mga kongresista na kaanib ng Magnificent 7, mga nasa super majority na sina QC Rep. Kit Belmonte, Dinagat Rep. Kaka Bag-ao, Quezon City 3rd District Rep. Jorge Banal at Cavite Rep. Gerald Francis Abaya.

Una nang inalmahan ni Albay Rep. Edcel Lagman ang funds slashed sa 2018 budget kung saan 24 mambabatas umano ang naapektuhan nito. GAIL MENDOZA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply