Bulkang Kanlaon muling nag-alboroto

MULING nag-alboroto ang bulkang Kanlaon makaraang makapagtala ng tatlong volcanic earthquake kaninang umaga, Disyembre 7, Huwebes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakataas sa alert level 2 ang bulkang Kanlaon dahil sa patuloy sa pag-aalboroto ang naturang bulkan.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang local government unit at ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng publiko sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Inabisuhan din ng ahensya ang Civil aviation authorities na abisuhan ang mga piloto ay iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Patuloy ang mga monitoring ng Phivolcs sa bulkang Kanlaon dahil sa patuloy na pag-aalboroto nito na itinuturing na isang aktibong bulkan. SANTI CELARIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply