Bus crash sa Mexico, 12 turista tigok

UMABOT sa 12 turista ang patay sa bus crash sa Mexico makaraang tumaob ang kanilang sinasakyang bus na maglilibot sana sa Mayan ruins sa southeastern Mexico.

Kabilang sa mga namatay ang walong Amerikano, dalawang Suede, isang Canadian at ang kanilang tour guide na Mexican national.

Nasa 18 turista at crew ng tourist bus ang sugatan sa aksidente.

Sa imbestigasyon, kabilang ang mga biktima sa 31 sakay ng tourist bus na magtutungo sana sa Chacchoben, kung saan matatagpuan ang mga Mayan ruins nang maaksidente sa masikip na bahagi ng kalye at tumaob.

Dahil dito, naipit ang mga biktima samantalang ang iba ay tuluyang tumilapon sa sasakyan.

Pawang mga turista na pasahero ng Royal Carribean celebrity Equinox and Serenade of the Seas na cruise ship ang mga biktima.

Nasa Mexico ang mga ito bilang bahagi ng kanilang 7-day cruise. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply