Bus dumayb sa bangin, 12 sugatan

LABINGDALAWANG katao ang nasugatan nang bumulusok ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus sa Quezon kaninang Martes ng madaling-araw.

Nakapagresponde naman agad ang mga sundalo ng Army’s 85th Infantry Battalion, na naka-istasyon malapit sa lugar ng pinangyarihan at mabilis na naisugod sa Tagkawayan District Hospital at medical facility sa Lopez town ang mga biktima na hindi nakuha ang mga pangalan.

Tatlo sa apat na pasahero ng AB Liner passenger bus ang nasa kritikal na kondisyon ang ginagamot ngayon sa St. Peter Hospital sa Calauag town.

Tumakas naman at ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya ang bus driver na nakilalang si Herbert Umali.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:35 a.m. sa isang bangin sa may Quirino Highway sa Brgy. Bagong Silang, Tagkawayan, Quezon.

Sa imbestigasyon, tinatakbo ng naturang bus ang nasabing highway nang sa hindi pa malamang dahilan ay bigla itong nawalan ng kontrol kaya nahulog ito sa bangin.

Sa pahayag ng ilan sa mga pasahero, ang konduktor na hindi nakuha ang pangalan ang siyang nagmamaneho ng bus nang mahulog ito sa bangin pero kinukumpirma pa ito ng pulisya.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang naturang bus conductor na hawak na ngayon ng pulisya. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply