Bus sumemplang, school sports director, 1 pa dedo

DALAWA ang namatay habang 26 naman ang nasugatan nang mahulog sa malalim na bahagi ng kalsada ang isang pampasaherong bus sa bayang ito, nitong Sabado ng gabi sa Mindoro.

Namatay noon din ang mga biktimang nakilalang sina Elmer Decillo, 61, na sports director ng Rizal University System at si Jonathan Penada, 51.

Sugatan naman ang ilan sa mga estudynate na hindi nakuha ang mga pangalan at ngayo’y ginagamot na sa ospital

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:30 p.m. sa Sitio Bunga, Brgy. Nicolas.

Bago ito, lulan ng bus ang 44 estudyanteng atleta at staff ng Rizal University System of Morong, Rizal at patungo sa Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC) Olympics na idadaos sa San Jose.

Pero ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng preno ang bus kaya nahulog ito sa malalim na bahagi ng Sitio Bunga, Brgy. Nicolas. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply