Cavs panalo vs Hawks; GSW wagi sa Blazers

NAKAKOLEKTA muli ang Cleveland Cavaliers ng panalo matapos padapain ang Atlanta Hawks, 123-114.

Nagtala ng career-high na 17 assists si Cleveland star LeBron James sa kanyang pangunguna sa 25 points habang natamo ng kanyang koponan ang season-high na 20 3-points at 35 assists.

Tumulong din sa kanilang panalo sina Kyle Korver sa 19 points at kababalik lang na si Kevin Love na may 17 puntos.

Nalugmok naman ang Atlanta sa 6-21 win loss record, sa kabila ng pagtangka nina Taurean Prince na tumipa ng 24 points, at Kent Bazemore sa 20, na makaangat mula sa kulelat na puwesto ng Eastern Conference.

Magugunitang naunang natalo ng Hawks ang Cavaliers sa una nilang paghaharap nitong season, ngunit bumawi ang Cleveland na unti-unting umakyat patungo sa 2nd spot ng Eastern Conference.

Samantala, nadepensahan ng NBA defending champions na Golden State Warriors ang kanilang trono sa top spot ng Western Conference matapos pataubin ang Portland Trailblazers, 111-104.

Bagama’t tied sa Houston Rockets, hindi nagpaawat ang Warriors sa pagtipa ng panalo, na pinamunuan ni Kevin Durant na may 28 points at 9 rebounds, habang sumuporta naman si Klay Thompson na may 24 points.

Nanguna man ang Portland sa pagtatapos ng first quarter, hindi napanindigan ng 39 points ni Damian Lillard ang pagbuhat sa team, na inambagan pa ng 21 points ni C.J. McCollum.

Nagpapagaling pa sa kanyang sprained right ankle ni Stephen Curry na hindi uli nakapaglaro sa pangtalong pagkakataon.

Mayroong 22 panalo na ang Golden State at anim na loss record para sa season na ito kung saan susunod nilang makakaharap ang Dallas Mavericks. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply