Celtics taob sa Knicks

MULING nakalasap ng pagkatalo ang Boston Celtics nang pahiyain ng New York Knicks sa iskor na 93-102.

Kahapon lamang ay nasilat na rin ang Boston sa kamay ng Miami Heat.

Sa kabuuan may 26-9 na record ang Celtics habang ito naman ang ika-17 panalo ng New York.

Binitbit ni Michael Beasley ang Knicks gamit ang kanyang 28 points mula sa season-high na 32 points sa second half.

Napunan ni Beasley ang nakakadismayang pagbabalik ni Kristaps Porzingis sa New York Knicks.

Sa panig ng Cetics, hindi nakapaglaro ang starter na si Jaylen Brown bunsod ng left Achilles tendon soreness.

Nabalewala rin ang pagsisikap ni Kyrie Irving na may 32 points.

Ang next game ng Boston ay laban sa Chicago sa Linggo. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply