Clarkson binitbit ang Lakers sa panalo vs Hornets

NAIBUSLO ni Fil-American Jordan Clarkson ang kanyang 14 sa kabuuang 22 points sa fourth quarter at nakatakas Ang Los Angeles mula sa muntikang pagkatalo kontra Charlotte Hornets, 110-99.

Nagdagdag naman ng 18 points si Brangdon Ingram habang may 15 si Kentavious Caldwell-Pope para sa Lakers, na may dalawang sunod na panalo na matapos matalo sa limang magkakasunod na laro.

Samantala, nagtapos naman na may 23 points si Kemba Walker at may 21 at 12 rebounds si Dwight Howard para sa Hornets.

Sa ngayon, mayroon nang pitong talo ang Hornets sa nakalipas na walong laro.

Sa isa pang laro, kapwa naka-20 puntos sina Goran Dragic at Tyler Johnson para padapain ng Miami ang Brooklyn Nets, 101-89, sa pinakaunang laro ng Heat sa Mexico sa loob ng buong franchise history.

Sa harap ng 19,777 fans na nanood sa Arena Ciudad de Mexico, nagpasiklab si Dragic at nagtapos na may pitong rebounds para sa Miami.

Dahil sa tagumpay ngayong araw, nawakasan ng Miami ang kanilang two-game losing streak.

Nagdagdag naman ng 17 points si James Johnson at may 15 si Justice Winslow habang may 11 si Kelly Olynyk para sa Miami.

Samantala, nanguna naman para sa Nets si Rondae Hollis-Jefferson na may 18 points. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply