Closed van, nasunog sa EDSA-Ortigas flyover

NAABO ang isang closed van matapos itong masunog sa Ortigas flyover northbound.

Kamasa ring naabo ang iba sa mga kargang tissue ng naturang van.

Sinabi ng driver nitong si Jonas Sulit Punoan at pahinanteng si Arthur Lamagan, nanggaling sila sa Taguig at ihahatid na sana ang mga kargang tissue sa SM North.

Anila, sa bandang SM Megamall pa lamang ay nakita na nila na umuusok ang kanilang van.

Kaya naman nang makarating sila sa Ortigas flyover ay doon sila gumilid para isalba ang kanilang kargang tissue.

Mabilis namang naapula ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog at dahil sakop na ng Quezon City ang lugar na pinangyarihan ng insidente, itinurnover na ito sa QC BFP.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, palyadong electrical wiring ng truck ang naging sanhi ng pagliliyab nito. Anila, may kalumaan na kasi ang naturang truck.

Samantala, umabot hanggang EDSA Ayala ang mabigat na trapiko dahil sa naturang aksidente. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply