Comelec pinaalis na sa Palacio del Gobernador

PINABABAKANTE na sa Commission on Elections (Comelec) ang kanilang inuukupahang palapag sa gusali ng Palacio del Gobernador.

Ito ang kinumpirma ng Comelec matapos silang makatanggap ng
“notice to vacate” mula sa Intramuros Administration (IA) na siyang nangangasiwa rito.

Ayon kay Comelec Spokesperson Director James Jimenez, structural integrity ng Palacio del Gobernador, ang ipinuntong dahilan ng IA sa ipinadala nitong notice to vacate.

Sa kasalukuyan, inookupahan ng Comelec ang 5th, 7th at 8th floor ng Palacio del Gobernador. Sa kabila nito, hindi naman nababahala aniya ang Comelec dahil naghahanap na ang kaukulang tanggapan ng poll body ng ibang lugar para paglipatan.

Kabilang umano rito ang ilang palapag ng Crystal Shipping Center Building na nire-renovate na pwede nang paglipatan ng kanilang Personnel Department bago matapos ang taong kasalukuyan.

Matagal na rin anang opisyal na pinag-iisipan ng Comelec ang pagpapatayo ng sariling gusali.

Katunayan, nakipagkasundo na aniya ang Comelec sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa disenyo at konstruksyon ng pinaplanong gusali ng Comelec. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply