Company driver, dedo sa depektibong elevator

NALASOG at naipit sa elevetor ang isang 52-anyos na driver ng kumpanya nang tumalon sa nakabukas na depektibong elevator sa Quiapo, Maynila.

Sa naantalang ulat ng mga kaanak ng biktimang si Manolito Naguit, may-asawa, driver ng Solar Up Rise Marketing sa San Diego Bldg. sa 462 Carlos Palanca Sr. St., Quiapo, at residente ng 695–G Unit 4 Laguna Ext., Gagalangin, Tondo.

Sa imbestigasion ng Manila Police District-homicide section, alas-12:00 ng tanghali ng maganap ang insidente sa Solar Up Rise Marketing sa nasabing lugar.

Nabatid na pababa na ang biktima kasama ang ilang kustomer at kawani ng kumpanya mula sa ikatlong palapag ng gusali nang bigla umanong dumausdos pababa sa ikalawang palapag ang elevator kaya sa takot ng biktima ay tumalon umano ito sa nakabukas na pintuan ng elevator dahilan para maipit at malasog ang katawan nito.

Nagawa pang maisugod sa Chinese General Hospital ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply