De Lima mabibisita ng pamilya sa Pasko’t Bagong Taon

PINAYAGAN ng Philippine National Police (PNP) na makasama ng nakadetineng si Sen. Leila de Lima ang kanyang pamilya sa Araw ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa staff ni De Lima, ang mga kamag-anak ng senadora ay pinayagan itong mabisita sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City mula sa Disyembre 24 hanggang ala-1:00 ng madaling-araw at alas-8:00 hanggang alas-5:00 ng hapon ng December 25.

Makakasama rin ni De Lima ang kanyang mga kamag-anak sa December 31 hanggang ala-1:00 ng madaling-araw at alas-8:00 hanggang alas-5:00 ng hapon ng Enero 1.

Nakakulong si De Lima mula pa noong Pebrero dahil sa umano’y kinalaman sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Pero mariin namang itinanggi ng senadora na numero unong kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakasangkot nito sa droga at iginiit na siya ay biktima ng political persecution. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply